The week after payday. Usually by this time I would feel happy...hah! Not anymore....not for the longest time. (Naks! Pa-english - english pa! hehehehe...) Ang taas na kasi ng bilihin. Dati-rati, yung P1,000.00 na gagastusin mo sa grocery, marami nang mabibili. Makakabili ka na nun ng 2 kilong asukal, isang 100gms na Nescafe, samahan mo pa ng 300gms na Coffeemate, Milo at Alaska powdered milk, mga de-lata, noodles at frozen goods na pang-stock mo until next payday, samahan pa ng sabong pampaligo, panlaba... (Hehehe...kailangan talaga detalyado) Tapos, siyempre di mawawala, dun sa sweldo mo kada-kinsenas/katapusan makakapagbigay ka na sa magulang mo, makakapag-abot ka na rin sa tiyuhin o tiyahin mo, or di kaya naman sa lolo at lola mo. At tiyak yun may maitatabi ka pa para sa sarili mo na pambili ng kung ano man ang gustuhin mo...damit, pang-load, pagkain or kung ano man ang maisipan mo. Pero ngayon???? Hay naku....dun sa mga nabanggit ko nung una? wala pa sa kalahati dun yung mabibili mo ngayon sa P1,000.00. Tapos, yung iba mo pang mga obligasyon...then idagdag na natin yung pagtaas ng pamasahe....hay buhay....
Ang hirap na talaga nang buhay ngayon...di mo malaman kung paano mo patatagalin ang perang tinatanggap mo kada-sweldo...ngayon, ika-18 ng Hunyo...dalawang linggo na naman ang hihintayin bago dumating ang araw ng sweldo. Mabuti na lang at ngayon eh dalawang linggo ka lang maghihintay. Kung mamalasin ka, may panahon na tatlong linggo ka maghihintay at dun na papasok yung tinatawag nilang "petsa-de-peligro" or yung mga araw na pinagpipilitan mong pagkasyahin ang kakarampot na perang natitira sa iyong pitaka. Na lahat na ng klaseng pagtitipid eh gagawin mo makaabot ka lang sa susunod na sweldo huwag ka lang mangutang dahil alam mo na mababawas lang iyon sa sweldong kaytagal mong hinihintay.
Pansamantala, iisipin ko na lang na wala na akong perang natitira. Hay....kung pwede nga lang sana iyon. Pero minsan kasi di mo maiiwasan na hindi maglabas ng pera lalo na kung kailangan talaga. Lalo na kapag nakita mo na wala na talagang malilalabas ang magulang mo....sino ba naman ako para tumanggi? Magulang ko iyon. Sila ang nagpalaki at nag-alaga sa aming tatlong magkakapatid. Hindi sila nagdalawang isip na gumugol ng pagod at salapi masiguro lang nila na may kakainin kami sa araw-araw. Nagpakapagod sila sa trabaho para lang maipangpa-aral sila sa amin hanggang sa makatapos kami sa kolehiyo at magkaroon ng sariling mga trabaho. Hindi sila nagdalawang isip o nag-alinlangan na kami ay gugulan ng salapi mula pa lang nung isilang kami hanggang sa kami ay lumaki na at kaya nang tumayo sa aming sariling mga paa. Pero kung iisipin mo, nasa sinapupunan ka pa lang ng nanay mo, pinaglalaanan ka na nila ng salapi para masigurong sa paglabas mo sa mundong ibabaw, ikaw ay magiging normal at malusog....Kaya, maano ba naman ang maliit na halagang ilalaan mo para kahit papaano ay makatulong ka sa kanila tuwing suweldo? Kung ikukumpara mo iyon sa laki ng kanilang nagugol lumaki ka lang ng maayos....barya lang ang katumbas ng ibibigay mong yun sa kanila.
Teka....parang kung saan na ako napupunta ah...medyo nagiging malalim at mabigat na yata ang mga lumalabas sa utak ko. Hahaha...di ko alam kung saan nanggaling ang mga iyon. Basta itina-type ko lang ang kung ano mang naiisip ko....katakot! hahahah... joke!
Sige na...tapusin na ito at baka kung saan pa ito mapunta. May pasok pa mamayang gabi. Ay! Gabi na pala bilang pasado ala-6 na ng gabi.
eto na.....
........